Archie Alemania, naghain ng not guilty plea sa reklamong acts of lasciviousness

featured-image

Bumisita muli sa Bacoor Hall of Justice sa Cavite ang aktor na si Archie Alemania kaugnay ng kinahaharap niyang kasong acts of lasciviousness.Kasama ang kanyang legal team, nagsumite si Archie ng not guilty plea sa reklamong inihain ng aktres na si Rita Daniela.Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, pinagbigyan rin ng korte ang hiling ng kampo ni Archie na magpatupad ng gag order upang hindi maisapubliko ang mga detalye ng kaso.Tumanggi ring magbigay ng pahayag ang panig ng komedyante kaugnay ng reklamo.Dumalo rin sa pagdinig si Rita kasama ang kanyang abogado na si Atty. Maggie Abraham-Garduque."I feel bad I mean... I know my truth and I know God is with me," pahayag ni Rita.Dagdag pa niya, "Kahit ano'ng mangyari, kahit gaano pa katagal, lalabas at lalabas yung totoo."Matatandaang naghain ng reklamo si Rita laban kay Archie dahil sa pambabastos umano ng huli sa kanya sa isang Thanksgiving party. Sa reklamo, sinabi ni Rita na nagbitaw ng malalaswang salita ang aktor at puwersahan siyang hinalikan.Nagsumite naman si Archie ng counter-affidavit na mariing itinatanggi ang mga paratang.Noong April 2, naglabas ng warrant of arrest ang Bacoor Municipal Trial Court laban kay Archie. Ayon sa korte, may probable cause sa kasong isinampa, at inirekomenda ang piyansang P36,000.Related gallery: Celebrities na biktima ng sexual harassment

Bumisita muli sa Bacoor Hall of Justice sa Cavite ang aktor na si Archie Alemania kaugnay ng kinahaharap niyang kasong acts of lasciviousness.Kasama ang kanyang legal team, nagsumite si Archie ng not guilty plea sa reklamong inihain ng aktres na si Rita Daniela.Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, pinagbigyan rin ng korte ang hiling ng kampo ni Archie na magpatupad ng gag order upang hindi maisapubliko ang mga detalye ng kaso.

Tumanggi ring magbigay ng pahayag ang panig ng komedyante kaugnay ng reklamo.Dumalo rin sa pagdinig si Rita kasama ang kanyang abogado na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.



"I feel bad I mean...

I know my truth and I know God is with me," pahayag ni Rita.Dagdag pa niya, "Kahit ano'ng mangyari, kahit gaano pa katagal, lalabas at lalabas yung totoo."Matatandaang naghain ng reklamo si Rita laban kay Archie dahil sa pambabastos umano ng huli sa kanya sa isang Thanksgiving party.

Sa reklamo, sinabi ni Rita na nagbitaw ng malalaswang salita ang aktor at puwersahan siyang hinalikan.Nagsumite naman si Archie ng counter-affidavit na mariing itinatanggi ang mga paratang.Noong April 2, naglabas ng warrant of arrest ang Bacoor Municipal Trial Court laban kay Archie.

Ayon sa korte, may probable cause sa kasong isinampa, at inirekomenda ang piyansang P36,000.Related gallery: Celebrities na biktima ng sexual harassment.