Ashley Sarmiento, gaganap bilang child bride sa 'Magpakailanman'

featured-image

Gaganap si Ashley Sarmiento bilang 13-year-old na ipinakasal ng kanyang mga magulang sa 'Magpakailanman.'

Ipapamalas ng Kapuso teen actress na si Ashley Sarmiento ang kanyang husay sa pag-arte sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.Sa episode na pinamagatang "Bata, Bata, Paano ka Kinasal?," gaganap siya bilang si Cherry, dalagitang nagtatrabaho bilang helper sa construction site para matulungan ang pamilya niyang naghihikahos.Sa edad na 13 years old si Cherry, ipakakasal siya ng kanyang mga magulang sa isang mayamang businessman kapalit ang malaking halaga.

Dito na magsisimula ang paghihirap niya sa kamay ng malupit na asawa.Makakatakas pa kaya si Cherry mula sa buhay na ito? Magkakaroon pa ba siya ng pagkakataong maging isang normal na bata?Bukod kay Ashley Sarmiento, bahagi din ng episode sina Romnick Sarmenta, Maureen Larrazabal, Aidan Veneracion, William Lorenzo, at Mel Kimura.Abangan ang brand-new episode na "Bata, Bata, Paano Ka Kinasal?" April 26, 8:15 p.



m. sa Magpakailanman.Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

.