Sinagot ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Office of the President, ang mga bayarin sa ospital ng namayapang aktres at National Artist na si Nora Aunor. Kinumpirma ito sa mga mamamahayag ni Analisa Puod, senior undersecretary for operations and strategic communications ng Presidential Communications Office (PCO).
“Hindi PCSO [Philippine Charity Sweepstakes Office] ang nag-shoulder. Ang OP at si Presidente,” ani Puod nitong Linggo..
“‘Di lang 'yung hospital bill 'yan. Pati ibang utang at ibang expenses daw galing sa personal na pera ni PBBM 'yan,” dagdag niya. Hindi na binanggit kung magkaano ang halagang binayaran ni Marcos at OP, pero binayaran umano ang mga ito sa ilalim ng hospitalization benefits bilang national artist.
“Aside sa makukuha niya as National Artist nagbigay ng personal na pera yung mag-asawa [Pres. Marcos at First Lady Lisa]. Kasi nasa private hospital si Nora Aunor, malaki yung bill na 'di na kayang i-cover,” paliwanag ni Puod.
Nitong Martes inilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City si Nora, na pumanaw sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure noong April 16.— mula sa ulat ni Mariel Celine Serquina/FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Bayarin sa ospital ni Nora Aunor, sinagot ni Pres. Marcos, OP, ayon sa PCO

Sinagot ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Office of the President, ang mga bayarin sa ospital ng namayapang aktres at National Artist na si Nora Aunor.