BINI Mikha, may reply sa basher na pumuna ng pagsasalita niya ng Tagalog

featured-image

BINI Mikha on netizen's comment: “Thank you for saying this, a good opportunity for me to clear things up."

Mahinahon ang naging tugon ng BINI member na si Mikha nang mabasa niya sa social media app na X ang komento ng isang netizen tungkol sa pagsasalita ng Tagalog.Makikita sa X na ni-repost ng isang netizen ang video ng interview ni BINI Mikha noong April 28 at sabay sabi, “Malamang sa Pilipinas yan lumaki 🙄 Nung di pa sila sikat fluent naman Tagalog nyan ngayon umaarteng di sanay magtagalog halatang pinepeke🙄 Yung mga tangang fans lang naman nila nacucutan 😂 Cringey mo.”Agad na nagpaliwanag ang P-pop idol at dito umamin siya na may mga pagkakataon na nabu-bulol siya kapag nagsasalita ng Tagalog sa harap ng camera.

Paliwanag ni Mikha, “Hi! Thank you for saying this, a good opportunity for me to clear things up! I've said before a couple of times and to people who ask me about it that I can speak fluent tagalog, but there are times in a script or in front of the camera I get a little bulol or I overthink the tagalog words I should use.. that's why I end up choosing to speak in straight english most of the time in front of the camera☺️ Have a good night!” Sa sumunod na araw (April 29), muling nag-post sa X si Mikha at nag-iwan ng payo sa kaniyang fans.



Paalala nito, “Let's stop all the hate guys, my response was not to fuel hate but to inform and clear things up for everyone. Please spread kindness and just educate.” Let's stop all the hate guys, my response was not to fuel hate but to inform and clear things up for everyone.

Please spread kindness and just educate.❤️-- mikha (@bini_mikha) April 28, 2025 Parte si Mikha ng P-pop super girl group na BINI na binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna, at Sheena.Ilan sa mga pinasikat ng BINI ang mga kanta na "Blink Twice," "Pantropiko," at "Salamin, Salamin.

" RELATED CONTENT: Get to know the Nation's Girl Group BINI.