Masaya ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio sa mga papuring natatanggap mula sa SLAY viewers at maging sa kanyang co-stars, na nahusayan sa kanyang pagganap bilang Zach.Si Zach ay ang fitness influencer na nasunog at namatay habang naka-livestream sa harap ng libo-libo niyang followers.Sa interview ng GMANetwork.
com, ipinarating ni Derrick kung gaano siya kasaya sa mga positibong komentong natatanggap sa SLAY."Ang saya nga kasi first time lang nangyari sa career ko 'yon, in 15 years," sabi ni Derrick.Nagpasalamat din ang aktor sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Viu Original at Kapuso Network.
Gayundin, pinasalamatan ni Derrick ang girlfriend at aktres na si Elle Villanueva na, aniya, palaging nariyan para sa kanya."Ang masasabi ko lang, grateful lang din ako sa Viu and sa GMA kasi ako 'yung napili nila rito. And, nagtiwala sila sa akin for the role.
"Thank you sa GMA, and, of course, hindi ko naman magagawa 'yon kundi dahil kay Elle [Villanueva] din kasi gina-guide din niya ako, tinutulungan n'ya ako," dagdag ng aktor.Bukod dito, nagpasalamat din si Derrick sa mainit na suportang natatanggap ng SLAY--sa streaming platforms at telebisyon."Mga Kapuso, maraming maraming salamat po for making SLAY number one sa Viu.
Sana po patuloy n'yo po siyang panoorin kasi nandito na po kami sa part kung saan marami pa po kayong malalaman."Magkakaroon kayo ng mga clues kung sino talaga ang pumatay kay Zach. Subaybayan n'yo po 'yan gabi-gabi para malaman n'yo rin kung bakit naging ganu'n si Zach.
"Abangan si Derrick sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI DERRICK MONASTERIO SA GALLERY NA ITO:.
Entertainment
Derrick Monasterio, grateful sa mga papuring natatanggap bilang Zach sa 'SLAY'

Derrick Monasterio sa positive feedback sa kanya sa 'SLAY': "Ang saya nga kasi first time lang nangyari sa career ko 'yon, in 15 years."