window.rapplerAds.displayAd( "middle-1" );window.
rapplerAds.displayAd( "mobile-middle-1" );Habang naaaliw tayo sa mango jokes at namamangha sa daring (or cluelessness) ng election ad ITIM – tingnan natin ang big picture sa ating dramedy.Imee Marcos.
Disloyal sister. Sa pinakahuling diskarte, namuno siya sa hearing sa Senado na tumutuligsa sa pag-turn over ng kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. kay dating presidente Rodrigo Duterte sa Interpol, sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Trivia: Gumamit pa nga siya ng bogus justice department memo sa Senate hearing.Tinawag ito ng Nerve, ang sister company ng Rappler, na “identity crisis.” Ang tawag dito ng political strategist na si Joey Salgado ay “obstructionist.
” Wala nang ginawang tama ang kapatid ni Imee sa mata niya. Minsan na niyang sinabi na “Hey my brother needs a job, he’s been hanging around jobless..
.” Note ang subtle insinuation na bulakbolero si utol. Siguro ngayon, Imee wishes he had stayed jobless.
Pero hindi siya kumibo nang sinabi ng kanyang bestie na si Sarah Duterte na ipahuhukay nito at ipatatapon ang remains ng tatay niyang diktador na si Ferdinand E. Marcos sa West Philippine Sea. Tumahimik siya nang inamin ni Sara na may counter move na siya by way of assassination ng mga Marcos.
Sara Duterte. Ang tagapagmana ng mahika ng pangalang Duterte. Inaakusahan siya ng paglustay ng confidential funds ng gobyerno.
Forgettable din ang termino niya bilang education secretary at wala siyang naging konkretong ambag upang labanan ang learning poverty.She’s prone to go into fits of anger at pagbibitaw ng mga salitang no politician in his/her/they right mind would say — tulad ng meltdown niya matapos ikulong ng mga congressman ang former chief of staff niya. Sinabi niyang gusto niyang pugutan ng ulo ang Presidente, at may insurance na raw siya sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang assassin na titira sa First Couple.
Maliban pa sa nais niyang i-convert ang West Philippine Sea na bagong libingan ng isang pekeng bayani.Ang pinakamalaking rubicon na tatawirin ni Sara? Sasailalim siya sa trial sa Senado matapos ma-impeach ng Kamara. Kaya’t nasa interes niyang magpanalo ng mas maraming kakampi na haharang sa isang guilty verdict.
Ferdinand Marcos Jr. Dinefy niya ang expectations at isinugal ang stability ng kanyang pagka-presidente sa pagte-turn over kay Digong sa ngalan ng pag-honor ng kooperasyon sa Interpol. Sa pinakahuling survey, nag-nose dive na ang numero niya.
At wala tayong alam na nakaupong presidente na nakabawi matapos bumulusok ang ratings. Ito na ba ang Mamasapano ni BBM?Ang natitira niyang baraha ay ang pagtitiyak na mahatulan ng guilty si Sara Duterte matapos ang kanyang impeachment. That, or actually doing what he promised — pababain ang presyo ng bigas, ayusin ang inflation at food insecurity, paramihin ang job opportunities sa bansa, etc.
Huh? Erase, erase 🙂ITIM ang kulay...
window.rapplerAds.displayAd( "middle-2" );window.
rapplerAds.displayAd( "mobile-middle-2" );ITIM talaga? How a pessimist color makes sense sa punto de bista ng election advertising, hindi na namin huhulaan. Bubuti ba ang dumadausdos na numero ni Imee?Sabi nga ni Harry Roque kay Imee, “Kaya ka lang namin iboboto dahil suporta kay VP Sara.
..Kahit masama ang loob namin.
” Pero iboboto ba siya talaga ng Duterte masses? Kakampi ba ang mga Pinoy sa isang kandidatong walang loyalty sa pamilya (kahit na hindi nila type si BBM)? Do Filipinos trust her? ‘Yan siguro ang tanong.Pero sino man ang henyo na nakaisip nito (sarcasm ito ha), unwittingly, nasapul ang joke. Sabi nga ng isang editor ng Rappler, ITIM “is a dark but stark reminder of the folly of the Filipino voters.
”The joke is again on us. Nagpaloko tayo sa fake unity nila noon — na mabilis na sumambulat at ngayon ay nagpo-polarize sa mga botanteng pumili ng BBM-Sara tandem noong 2022.May poetic alignment ang mga bituin sa langit sa ITIM campaign — magkatabi ang dalawang prinsesa ng entitlement.
Pareho silang nagngingitngit na kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging presidente si BBM. Totoo man na complicit kayo sa biggest lie of 2022 — siya ang nakaupo, hindi kayo.Bakit ba patuloy na nagtitiwala ang mga Pilipino sa dalawang pamilyang ito? Ewan.
Itim ang kulay ng entitlement. Itim ang kulay ng incompetence at kurakot. Itim ang kulay ng panloloko at pagsisinungaling.
Itim ang kulay ng dinastiya. Na-budol na tayo noong 2022, papa-scam ba tayo ulit? – Rappler.com.
Technology
[EDITORIAL] ITIM ang kulay ng entitlement

ITIM is a dark but stark reminder of the folly of the Filipino voters