Ian de Leon shares last conversation with Nora Aunor

featured-image

Malaki ang pasasalamat nina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon na maging parte ng buhay ni Nora Aunor.

Sa huling araw ng burol ni Superstar Nora Aunor sa Heritage park, nakapanayam ni King of Talk Boy Abunda ang mga anak ng batikang aktres na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon para sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, April 21.Dito ibinahagi ni Ian ang naging huling pag-uusap nila ng ina bago ito pumanaw. Ayon sa aktor, nakausap niya ang ina sa text lang dahil nasa ospital na ito.

Napag-usapan nila ang pagiging ina nito sa kanilang magkakapatid, at lola sa mga apo nito.Ani Ian, nagsimula ang kanilang pag-uusap nang magpadala ng quote si Nora tungkol sa relasyon ng isang ina sa kaniyang mga anak at apo.“Panginoon, kahit saan man mapunta ang aking mga anak, pakiusap, hawakan mo sila, protektahan sa lahat ng panganib at palaging ihatid silang ligtas pauwi,” basa ng aktor sa mensahe ng kaniyang ina.



Kinamusta rin umano ng National Artist ang kaniyang mga apo, at hiniling sa aktor na iyakap at ihalik na lang ito sa kanila. Humingi rin ng pasensiya si Nora sa kaniyang anak na wala ito sa kanilang tabi noong mga panahon na iyon.TINGNAN ANG CELEBRITIES NA NAGBIGAY PUGAY AT INALALA SI NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO:EMBED: https://www.

gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/23558/celebrities-and-public-personalities-remember-superstar-nora-aunor/photoHiningi ng batikang host ssa magkakapatid kung ano ang gustong ipagpasalamat at ihingi ng tawad ng mga ito kay Nora. Simula ng bunsong si Kenneth, ipinagpasalamat daw nito na naging mga anak sila ng batikang aktres, dahil hindi niya umano magiging kapatid sina Ian, Lotlot, Matet, at Kiko.

“Kung hihingi ng patawad, siguro po dahil 'yung mga huling oras niya, wala kami du'n. Sana nandu'n kami, yakap namin siya, nakausap, nasabi 'yung mga gustong sabihin. Ito na po ngayon e, we just need to accept,” pagpapatuloy ni Kenneth.

Ipinagpapasalamat din ni Kiko ang pagdating nila sa buhay ni Nora, at pagiging parte nila sa buhay nito. Aniya, kung hindi sila napunta sa kanilang mommy ay hindi niya alam kung ano ang magiging buhay nilang apat ngayon.“Maraming salamat.

Ma, kung nasaan ka man ngayon, mahal na mahal ka namin, thank you. Thank you sa lahat. And sana lang e naging matagal pa 'yung pagsasama namin, masyado kasing naging mabilis, ang dami pa naming pag-uusapan sana,” sabi ni Kiko.

Mensahe naman ni Matet sa kaniyang mommy, “Salamat po mommy kasi pinaparamdam n'yo po rin kahit sa sarili niyang paraan, naparamdam niya po sa aming lahat, bawat isa, at sa mga anak po namin, kung gaano niya po kami kamahal. Maraming salamat, naramdaman po namin ang pagmamahal ni Nora Aunor.”Inihingi rin ni Matet ng tawad ang hindi nila pagbisita kay Nora dahil aniya, gusto pala nitong makasama sila noong mga panahon na inaakala nilang busy at kailangan ng pahinga ng kanilang mommy.

Pag-amin naman nina Lotlot at Ian, nasabi na nila lahat ng gusto nilang sabihin kay Nora kaya naman pinasalamatan lang ng kanilang panganay ang Superstar para sa lahat ng naituro nitong kabutihan, at pagmamahal na pinaramdam sa kanila.“Sabi ko nga po, sino ba ang mag-aakala na kaming apat, tapos si Ian, e magiging isang pamilya? Sino bang mag-aakala na ang isang munting batang babae na nagbebenta lang ng tubig sa riles ng tren ay magiging isang sikat na superstar na mamahalin ng lahat? So this was all designed by the heavens above and I'm just grateful to be part of it,” sabi ni Lotlot.Binalikan naman ni Ian ang leksyon na natutunan niya mula sa kaniyang mommy.

“The only lesson, aside from everything that has happened, be it good or bad, is always whatever happened in the past, kahit masakit, sobrang sakit, pinakamasakit, sobrang saya, lahat 'yun, all those were lessons for us to take. And we'll have to learn to leave the emotional baggage aside and leave it in the past,” sabi ng aktor..