Bilang anak ng batikang aktor na si Piolo Pascual, hindi na umano bago para kay Iñigo Pascual ang makumpara sa kaniyang ama. Hindi rin siya apektado nito at sa halip ay proud pa nga.Sa pagbisita ni Iñigo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 23, sinabi ng young actor na ang pagiging anak at makumpara kay Piolo ay isang bagay na hindi na niya maaalis sa buhay at pagkatao niya.
Aniya, wala rin naman siya sa mundong ito kung hindi dahil sa kaniyang mga magulang.“Para sa akin, hindi siya obstacle, hindi siya problema, kasi wala naman ako sa industriyang ito kung wala rin ang tatay ko. Para sa'kin it's an honor to be compared to my dad, it's an honor that I, for some reason, I don't know if I'm able to live up to it, pero to even bbe compared to Papa P.
Isang karangalan 'yun,” sabi ni Iñigo.Tanong naman ni King of Talk Boy Abunda, “Tanggap mo ba na mas gwapo ang papa mo?”Sagot ng young actor, “Oo naman, oo naman. Super.
”Kwento ni Iñigo, mahiyain ang papa niya tuwing napapansin ang kaguwapuhan nito at sinasabing ordinaryo lang naman siya. Ngunit para sa nakababatang Pascual, proud at ipinagmamalaki niya ang kaniyang ama, lalo na sa mga kaibigan.“Can you believe it? This is my dad.
He looks like my older brother.' For me, that's more of a bragging right. Hindi ko siya ikinakahiya,” sabi ng aktor.
Bata pa lang ay nalagi na si Iñigo sa Amerika at ayon sa aktor, isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipat sa ibang bansa ay dahil sa pangungulit at pagtatanong ng mga tao sa kaniya tungkol kay Piolo. Ngunit paglilinaw ng young actor, marami pang ibang rason.“Maraming rason, I mean siyempre 'yung magulang ko, gusto nila akong bigyan ng normal na childhood, but para sa akin, I think that was one of the main reasons why I was not publicly announced na anak ako ni Piolo,” sabi ni Iñigo.
Nilinaw naman niya na nasabi niya iyon hindi dahil sa ayaw niyang malaman ng mga tao na anak siya ni Piolo. Sa katunayan, hindi niya hinanap na ianunsyo siya bilang anak ng batikang aktor.“Para sa'kin, mas na-curious ako kung bakit sikat 'yung tatay ko, ang dami kong tanong na, 'bakit ganito 'yung tatay ko,' aniya.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY DADS NA PAPASA PARING BINATA SA GALLERY NA ITO:.
Entertainment
Iñigo Pascual, hindi apektado na makumpara sa amang si Piolo Pascual

Proud si Iñigo Pascual na tawaging anak ni Piolo Pascual.