'It's Showtime' pays tribute to Pilita Corrales and Nora Aunor

featured-image

Isang heartfelt song number ang hatid ng 'It's Showtime' bilang pagpupugay sa yumaong Philippine entertainment icons na sina Pilita Corrales at Nora Aunor.

Isang madamdaming pagpupugay ang hatid ng It's Showtime para sa yumaong Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales at Superstar na si Nora Aunor.Matatandaan na yumao si Pilita noong April 12 at nitong April 16 ay pumanaw naman si Nora.RELATED GALLERY: The saddest and most shocking celebrity deaths Sa pangunguna ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, nagbigay-pugay siya sa yumaong Asia's Queen of Songs at National Artist for Film and Broadcast Arts.

“Madlang People, nitong mga nakaraang araw, kasabay ng ating pagninilay-nilay, dalawang magkasunod na balita ang gumulat at labis na ikinalulungkot ng sambayanan. Ang pagpanaw ng dalawa sa mga tinitingala nating institusyon sa mundo ng musika at pelikulang Pilipino. Mga sining na pinagyaman ng Asia's Queen of Songs at Tawag ng Tanghalan hurado, Ms.



Pilita Corrales, and Tawag ng Tanghalan 1967 grand champion, Philippine Superstar, and National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts, Ms. Nora Aunor.“Ang kanilang mga alaala at 'di matatawarang ambag ay mananatili sa ating mga puso't isipan.

Kabilang na ang pagiging bahagi nila ng pambansang kompetisyong patuloy na nagyayabong ng mga talentong Pilipino. Samahan n'yo po kami sa pagbibigay-pugay sa mga reyna ng tanghalan, Ms. Pilita Corrales at Ms.

Nora Aunor,” ani Vice.Matapos ito, isang heartfelt song number ang hatid nina Vice Ganda, OPM icon Ogie Alcasid, Concert Queen Pops Fernandez, at “Tawag ng Tanghalan” champions Rea Gen Villarreal at JM Yosures para sa yumaong icons ng Philippine music at entertainment industry.Inawit nila ang kantang “Handog” ng singer-songwriter na si Florante de Leon.

Samantala, iba't ibang celebrities at personalities din ang nagbigay-pugay rin kina Pilita at Nora sa social media.Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream..