Jay Ortega, nag-enjoy sa Siargao

featured-image

Na-enjoy ni Jay Ortega ang maikling bakasyon niya sa Siargao.

Bumisita kamakailan si Kapuso actor Jay Ortega sa Siargao para sa isang maikling bakasyon.Ibinahagi niya ang ilang pictures niya mula rito sa kanyang Instagram account. Makikita ditong sinubukan ni Jay ang ilang mga kainan sa Siargao, nag-wind down habang nagbabasa ng libro at nagkakape, lumangoy sa beach at sa isang fresh water lagoon, at nag-wine pa sa tabing-dagat.

Naglaro rin siya ng basketball kasama ang ilang mga turista at locals doon, nag-motorsiklo para makalibot, at bumisita pa sa isang tattoo shop."Love," simpleng caption niya sa kanyang post. View this post on Instagram A post shared by Jay Ortega (@ortegajay_) Si Jay ang tinukoy ng social media star at content creator na si Esnyr bilang kanyang "Kapuso crush.



"Hindi raw niya ito inasahan at flattered siya sa komento ni Esnyr na isa ngayon sa housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition."Gusto ko siyang makilala, gusto ko siyang makita. Siguro paglabas na lang niya ng Bahay ni Kuya," lahad ni Jay sa isang panayam.

Napapanood si Jay sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbidahan ni Kapuso actor David Licauco.Bahagi rin siya ng primetime murder mystery series na SLAY.Panoorin si Jay Ortega sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.

m. sa GMA Prime.MAS KILALANIN PA ANG MODEL AT ACTOR NA SI JAY ORTEGA SA GALLERY NA ITO:.