I-unfollow nga ba ni Kyline Alcantara si Kobe Paras sa Instagram at ano kaya ang dahilan? Ito ang tanong netizens na nakapansin nitong Linggo ng gabi na hindi na follower ni Kobe sa IG ang Kapuso actress na nauugnay sa kaniya. Pero nananatiling naka-follow naman si Kobe kay Kyline sa Instagram. Matapos mapaulat noong November 2024 na "dating" ang dalawa at may mga sweet video na lumabas sa social media, walang opisyal na pahayag sina Kobe at Kyline tungkol sa kanilang relasyon.
Nitong nakaraang Disyembre, inihayag ni Kyline na ipinakilala na niya si Kobe sa kaniyang mga magulang. At nito lang nakaraang Pebrero, naging emosyonal si Kyline nang ma-meet ang pamilya ni Kobe sa L.A Nagkapareha pa ang dalawa sa online miniseries na “Miss Legends.
” — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Kyline Alcantara, i-unfollow si Kobe Paras sa Instagram?
_2025_04_21_09_21_31.jpg)
I-unfollow nga ba ni Kyline Alcantara si Kobe Paras sa Instagram at ano kaya ang dahilan?