Michael Sager, Emilio Daez react to reasons for their nominations

featured-image

Sinagot nina Michael Sager at Emilio Daez ang mga komento tungkol sa kanila ng ibang housemates.

Sinagot nina former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates Michael Sager at Emilio Daez ang mga rason umano kung bakit sina naging mga nominado at, kalaunan, evictees ng Bahay ni Kuya.Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 29, binasa ni King of Talk Boy Abunda ang ilan sa mga rason na binigay ng kapwa housemates nila Michael at Emilio para i-nominate sila.Isa sa mga binasa ng batikang host ay ang sinabi ni Bianca De Vera tungkol kay Michael, “ Si Michael kasi sobrang inconsistent ng personality niya from the first few weeks up to this day to the point na hindi na po alam kung nagiging showbiz siya or ganu'n na lamang siya bilang tao.

”Pagbabahagi ni Michael, kilala niya si Bianca mula sa labas ng Bahay ni Kuya kaya naman masaya siyang mas makilala pa ang aktres sa loob. Ngunit ayon sa Kapuso actor, base sa napag-uusapan nila ng aktres ay consistent umano siya.“We had a conversation pa nga that she's telling me, 'Michael, good job, you're being consistent about being makulit.



' So I said thanks because I see her as my comfort person,” sabi ng aktor.Dagdag pa niya ay iba ang rason na sinabi ni Bianca sa alam niya, at sinabing baka may nagbago lang kaya gusto niyang makausap si Bianca ng personal para malinawan.Ibinahagi rin ng batikang host ang sinabi ni Vince Maristela tungkol sa magka-duo, “Grabe 'yung personality nila nagka-clash at feeling ko, 'yung pagiging competitive nu'ng pagka-duo nila is masyadong mataas.

”Pag-amin ni Emilio, competitive naman talaga siya at maaaring lumabas lang ang pagiging overly competitive niya sa loob ng Bahay ni Kuya. Inihingi niya ito ng tawad sa kapwa housemates, at sinabing parte lang iyon ng kaniyang personalidad.“Kaya ko naman i-tone down and I was hoping that I could be given a chance to show that sa next week.

Unfortunately, hindi ko po naipakita so pasensya na po, housemates,” sabi ni Emilio.BALIKAN ANG EVICTION NINA MICHAEL AT EMILIO MULA SA BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO: Sinagot din ni Michael ang sinabi ni Mika Salamanca na hindi na umano alam ng kapwa housemates nila kung kailang totoo at hindi totoo ang sinabi ng Kapuso actor.Inamin naman ni Michael na sadya niyang in-adjust ang kaniyang personalidad matapos manomina sa ikalawang beses, at sinabing naging mas tahimik at introverted siya bilang paraan ng pakikisama.

“Sadya po, talagang tinimpla ko lang para I want to fit in, of course. Siguro with Mika, sinasabi niya hindi niya alam na nagjo-joke ako, hindi. Ako naman, I'm a hundred percent sure that I was very genuine with them,” sabi ng aktor.

Paglilinaw din niya ay wala siyang masamang intensyon sa kapwa nila housemates nang gawin niya iyon.Pinabulaanan din ni Michael ang mga haka-haka ng netizens na tila hindi umano nagkakasundo ang Kapuso housemates sa loob ng bahay ni Kuya, at sinabing competitive lang talaga ang bawat isa sa kanila. Sa katunayan, naramdaman niya ang pagkakaroon ng big heart ng Kapuso at Kapamilya housemates habang nasa loob sila.

Sinagot din ni Michael ang sinabi ng kanilang former co-housemates na sina Charlie Fleming at Kira Balinger na kulang umano siya sa initiative sa household chores sa bahay ni Kuya.“You know Tito Boy, I don't do it for show kasi when I see there's something wrong in the house, I can't handle it, I'm medyo a clean freak e, so 'yung mop na hawak niya, ako yata ang unang nag-hawak at ako yata ang naglagay nu'ng tubig. So Kira, Charlie, you know,” pabirong sabi ni Michael.

Nilinaw din niya na wala naman siyang issue sa dalawang former female housemates, pero natatawa umano ang aktor na hindi nila nakita ang ginawa niyang paglilinis ng bahay.Sagot naman ni Emilio, “Ako, bro, I saw you when you cleaned.”.