Kalalabas lang ng former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Michael Sager at Emilio Daez mula sa Bahay ni Kuya pero tila handang-handa na silang harapin muli ang challenges ng outside world, kabilang na ang pagiging mga aktor.Marami-rami na rin naging proyekto si Michael habang si Emilio, nagsisimula pa lang. Pero sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 29, aminado ang dalawang makakatulong ang paglabas nila sa naturang reality TV show para harapin ang challenges ngayon sa buhay.
Tanong sa kanila ni King of Talk Boy Abunda, “Do you have this feeling na in a different way, you're ready to take on the world after PBB?”Sagot ni Emilio, “Ako, Tito Boy, I'm so ready for the challenge to fight in the outside world, kasi Tito Boy, du'n sa bahay, sa loob ng bahay, it's an extraordinary experience that separates from the outside world.”Para umano sa young actor ay hindi natatapos ang kaniyang journey sa entertainment industry sa loob ng Bahay ni Kuya. Bagkus, dito pa lang ito nagsisimula.
Itinuturing naman ni Mikael bilang mga leksyon ang tasks na ginawa nila sa bahay, at sinabing may mas malalim na ibig sabihin pa ang tasks na ito, bagay na dadalhin niya para maging mas mabuting aktor at tao.“The tasks that we did kasi have deeper meanings, the parusas that we did had meanings that I'm able to take on paglabas ko at hindi lang siya to become a better actor, to become a better housemate, it's to become a better man in my life, and I would take those lessons with me and just improve every day as much as I can,” sabi ni Michael.TINGNAN ANG MULING PAGSASAMA-SAMA NG FORMER HOUSEMATES SA 'IT'S SHOWTIME' SA GALLERY NA ITO: Sa ngayon, sinabi ng dalawang former housemates na mas pagtutuunan muna nila ang kani-kanilang mga career, at pansamantalang isasantabi ang pag-ibig.
Dagdag pa ni Michael, “I feel like I want to achieve my dreams and really work hard, especially now that we're back in the outside world.”.
Entertainment
Michael Sager, Emilio Daez ready to take on world after 'PBB?'

Handa nang harapin nina Michael Sager at Emilio Daez ang mga pagsubok ng outside world!