OPM legend na si Hajji Alejandro, pumanaw na

featured-image

Pumanaw na ang OPM legend na si Hajji Alejandro sa edad 70.

Pumanaw na ang OPM legend na si Hajji Alejandro sa edad 70. Ito ang kinumpirma ng kaniyang pamilya nitong Martes sa pamamagitan ng isang pahayag na ibinahagi ng manager ni Hajji na si GR Rodis. "At this time, we kindly ask for privacy as our family grieves this tremendous loss.

We appreciate your understanding and support during this time." Nakikipaglaban sa stage 4 colon cancer si Hajji sa unang bahagi ng taon. Inilahad ng partner ni Hajji na si Alynna Velasquez na sumailalim siya sa operasyon noong Pebrero.



Angelito Toledo Alejandro sa tunay na buhay, miyembro si Hajji ng Circus Band at nanalo sa Metro Manila Popular Music Festival sa kantang "Kay Ganda ng Ating Musika." Ilan pa sa kaniyang hit songs ang "Panakip-butas," "Tag-Araw, Tag-Ulan," at marami pang iba. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News.