Dagsa ang mga bisita sa huling burol ng National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor.Sa The Chapels at Heritage Park, Taguig City, dumalo ang ilang kilalang personalidad upang masilayan at magpaalam sa beteranang aktres.Kabilang sa mga bumisita sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Nakiramay rin si Senator Imee Marcos, na isa sa mga nasa likod ng iconic 1982 film ni Nora, na Himala.Ang Kapuso TV host na si Boy Abunda, nakapanayam ang limang anak ng aktres na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon para sa Fast Talk with Boy Abunda.Hindi rin napigilan ng batikang host ang maging emosyonal habang inaalala ang kanyang idolo at kaibigan.
"Para sa isang tagahanga, she'll always be the greatest actor Philippine Cinema has been produced. She was big, huge in everything. The only way para sa akin to understand the phenomenon, that was Nora Aunor, was to love her," pahayag ni Tito Boy.
Ibinahagi rin ng Kapuso host na nakausap pa niya si Nora isang linggo bago ito pumanaw."May mga pag-uusap na wala kaming ginawa kung hindi tawa nang tawa. May mga pag-uusap na mahirap.
May mga pag-uusap na dasal. Iba't ibang klaseng pag-uusap ang pinagdaanan namin ni Ate Guy," kwento niya. "Lagi naman pag-uusap namin ni Ate Guy ay napakalalim ng ibig sabihin.
"Bumisita rin ang aktres na si Sheryl Cruz, na nakatrabaho si Nora sa GMA series na Lilet Matias: Attorney-at-Law. "She's a very warm and funny person kasi kapag pumupunta sa shooting o set 'yung fans niya (na) mga yaya namin sa bahay, nakikipagkuha talaga siya ng mga picture. She's very down to Earth, ganoon din siya sa lahat ng mga minamahal niyang fans," pagbabahagi ni Sheryl.
Nakidalamhati rin sina Imelda Papin at Aiai delas Alas, mga kasamahan ni Nora sa ilang international shows."Sobra ang kalungkutan. Syempre, ang laking kawalan sa ating movie and music industry dahil talagang mahal na mahal siya ng ating mga kababayan.
Dapat nating ipagmalaki siya ay national artist, superstar, idol nating lahat," ani Imelda.Dagdag ni Aiai, "Kailangan talagang bumisita ako kasi isa si Ate Guy (sa) nakasama (ko) noon umpisa pa lang sa concert abroad. Siya 'yung kauna-unahang tao nagbigay ng CD player.
"Dumalo rin kagabi ang ilan pang personalidad sa showbiz at politics kagaya nina GMA Network Head of Entertainment Group Cheryl Ching-Sy, Tirso Cruz III, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Boots Anson Rodrigo, Rochelle Pangilinan, Ricky Lee, Joseph Estrada, Jinggoy Estrada, at Jude Ejercito.Maliban sa burol, nagkaroon din ng state necrological services para kay Nora Aunor sa Metropolitan Theater sa Maynila ngayong umaga (April 22).Samantala, ang kanyang state funeral ay gaganapin sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Balikan ang career highlights ni Nora Aunor, dito:.
Entertainment
President Bongbong Marcos at iba pang personalidad, dumalo sa burol ni Nora Aunor

Nakiramay ang ilang personalidad sa pulitika at showbiz sa burol ng Superstar Nora Aunor.