Prinsesa Ng City Jail: Princess, nakalaya na sa pagkakakulong; haharapin na si Libby

featured-image

Ngayong nakalabas na si Princess sa kulungan, malaman na kaya nila na hindi totoo ang nangyaring kidnapping kay Libby?

Matapos ang ilang linggong pagkakakulong, nakalaya na si Princess (Sofia Pablo) pagkatapos iurong ni Pusoy (Betong) ang alegasyon nitong siya ang mastermind sa kidnapping diumano ni Libby (Lauren King).Nang makalabas si Princess mula sa kulungan, pinuntahan niya muna ang ina ni Onse (Will Ashley) na pinaniniwalaan nilang namatay na.Samantala, gustong gusto pa rin ni Sonya (Jean Saburit) na gamitin ang impluwensya nila para mapabalik si Princess sa loob ng kulungan.

Sa kabutihang palad, hindi pumayag si Sharlene (Beauty Gonzalez) dito.Ngayong nakalabas na si Princess sa kulungan, malaman na kaya nila na hindi totoo ang nangyaring kidnapping kay Libby?Patuloy na tumutok sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m.



, sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream..