Kasing tindi ng init ng summer ang tawanan at kulitan sa first part ng summer special ng Bubble Gang!Kaya naman sinuklian ng mga Ka-Bubble ang summer-tastic episode ng longest running gag show matapos ito magtala ng 8.4 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings. Kinaaliwan pa ng mga Kapuso ang mga funny sketches tulad ng 'Eva-waze,' 'Sirena,' at 'Mr.
& Mrs.' Tawangtawa din sila sa kantahan sa patok na musical comedy sketch na 'Istambay sa Languyan.'Extra hot din ang guests para sa summer episode na ito dahil nakasama pa sina Arra San Agustin, Roxie Smith, at VMX star Angelica Hart.
Para 'More Tawa, More Saya' ngayong tag-init, balikan ang full episode ng Bubble Gang sa video below!For updates about the 2025 Bubble Gang summer special, visit GMANetwork.com.RELATED CONTENT: Summer 2025: 'Bubble Gang' babes in their hottest swimsuit photos.
Entertainment
'Bubble Gang' summer special, 'sumakses' sa TV ratings

Mga Ka-Bubble, maraming, maraming salamat dahil 'chew'-tastic ang suporta n'yo sa Part 1 ng summer special.