Cast ng 'Samahan ng mga Makasalanan,' wagi sa 'Family Feud!'

featured-image

Congratulations sa 'Samahan ng mga Makasalanan!'

Winner sa Family Feud ang cast ng satirical comedy na Samahan ng mga Makasalanan!Nitong Martes, April 22, magkakasamang naglaro sa Team Kumpisal sina Liezel Lopez, Chanty Videla, Jade Tecson, at David Shouder. Mula naman sa Team Sinampal naglaro sina Shernan Gaite, Jerome Lois Esguerra, a.k.

a. 'BatManunulat,' at ang funny online duo na sina Tito Abdul at Tito Marsy. Sa episode na ito nagwagi ang Team Kumpisal kaya sila ang sumabak sa Fast Money round.



Naglaro sa round na ito sina Liezel at David at nakakuha ng 207 points.Nakapaguwi ng PhP 200,000 at makakakuha rin ng cash prize ang kanilang chosen charity na GMA Kapuso Foundation.Balikan ang winning moment ng Team Kumpisal sa Family Feud dito: Abangan ang "Winner ang Summer" episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.

m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.Sa mga hindi pa nakakapanood ng Samahan ng mga Makasalanan, narito ang cinema list:.