Closeness nina Michael Sager at Emilio Daez, hinangaan ng viewers

featured-image

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition viewers kina Michael Sager at Emilio Daez #MiLi: 'Sana maging friends kayo forever.'

Maraming Filipino viewers ang naaaliw sa friendship ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Michael Sager at Emilio Daez.Bago lumabas ng Bahay ni Kuya, sina Michael Sager at Emilio Daez ay nakilala bilang celebrity duo na MiLi at tila hanggang ngayon na sila ay nasa outside world na ay marami pa rin ang sumusubaybay sa kanila.Sa social media, isa sa mga pinag-usapan ay ang kulitan moments ng dalawa na live na napanood ng netizens sa TikTok.

Kinagiliwan ang reaksyon ni Emilio Daez nang malaman niyang habang kinukumusta at pinapasali niya sa kaniyang live si Michael ay nasa family dinner pala ang huli.Bukod dito, binalikan din ng netizens ang closeness ng MiLi sa loob ng Bahay ni Kuya. RELATED CONTENT: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' Komento ng ilang netizens, ang MiLi ang isa sa paborito nilang celebrity duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.



Nito lamang Lunes, April 28, magkasamang bumisita sa Unang Hirit studio sina Michael at Emilio.Samantala, ang Sparkle star na si Michael Sager at Star Magic artist na si Emilio ang pinakabagong housemates at celebrity duo na na-evict sa Bahay ni Kuya.Si Michael Sager ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Diligent Wonderson ng Marinduque, habang si Emiilio Daez naman ay nakilala bilang Mr.

Bankable Achiever ng Pasig.Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m.

at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.

com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.

com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN..