Dominique Cojuangco mourns passing of her half-sister

featured-image

Dominique Cojuangco expresses grief over the sudden loss of her half-sister, Patricia Cojuangco Kierulf.On Instagram, Dominique honored Patricia with a heartfelt message. She wrote, "How blessed am I to have been able to call you my sister in this lifetime? My heart is shattered. I'll love you forever."The grieving sister also shared candid photos showing their sweetest memories -- from childhood snapshots to special moments at her wedding. She also posted some solo shots of Patricia, whom she dearly loved.Fans loved the warmth and closeness between the two over the years, noting their strong sisterly bond despite their age gap and being half-sisters.While the comment section was turned off, many showed their support and sympathy by flooding the post with heart reactions.embed: https://www.instagram.com/p/DIq_eqTzfaT/?utm_source=ig_web_copy_link&igsh=MzRlODBiNWFlZA== Dominique and Patricia are both daughters of businessman Tonyboy Cojuangco -- Dominique with socialite-actress Gretchen Barretto; and Patricia with Tonyboy's former wife, Bingbing Gonzales.Patricia was 47 years old at the time of her passing on April 19. As of writing, the family has not disclosed the cause of death.Meanwhile, here are some popular celebrity half-siblings in showbiz:

Mayroon pang mga anak si Eddie Gutierrez sa dalawang magkaibang babae kaya't naging magkapatid sina Ruffa at Tonton Gutierrez. Si Annabelle Rama ang ina ni Ruffa samantalang anak naman si Tonton ni Liza Lorena na isang beauty queen. Malimit pa ring magkita ang magkapatid lalo na kapag mayroong family gathering ang mga Gutierrez.

Noong nakaraang taon, naging maingay si Jackie Forster sa kanyang social media account tungkol sa kustodiya ng kanyang mga anak na sina Kobe at Andre Paras. Nakaramdam ng lungkot ang kanyang half-sister sa ama na si Mickey Ferriols nang malaman ang balitang ito. Nahuli sa buy bust operation ang dating child star na si CJ Ramos last July 2018.



Sa kabila ng drug charges na kinakaharap ni CJ, suportado pa rin siya ng kanyang half-brother, ang dating dancer-turned-actor na si Sherwin Ordoñez. Magkapatid sina Ara Mina at Cristine Reyes sa inang si Venus Imperial, dating artista. Taong 2000 nang nalaman ni Ara na si Chuck Mathay ang kanyang biological father at hindi ang ama ni Cristine na si Romeo Reyes.

Matatandaang nasangkot sa isang demandahan ang magkapatid noong 2012 dahil sa umano'y paninirang puri ni Cristine kay Ara. Humingi ng tawad si Cristine sa kanyang Ate at nagkaayos sila pagkalipas ng isang taon. Taong 2014 nang bawian ng buhay ang ama nina Gabby Eigenmann at Andi Eigenmann na si Mark Gil.

Si Gabby ay anak ni former actress Irene Celebre samantalang si Andi naman ay anak ni Jaclyn Jose. Noong 2015 lang nagkakilala ang magkapatid sa ama na sina RJ at Daniel Padilla. Pareho silang supling ng dating aktor na si Rommel Padilla.

Dumaan sa matinding pagsubok sa buhay si Mark Anthony Fernandez nang maghiwalay sila ng asawang si Melissa Garcia noong 2014. Dahil close ang parehong anak ng late action star na si Rudy Fernandez, alalang-alala noon si Renz sa kanyang half-brother dahil sa kanyang pinagdaraanan. Ang ina ni Mark Anthony ay si Alma Moreno samantalang si Renz naman ay anak ni Lorna Tolentino.

Anim na taong gulang si Karylle nang maghiwalay ang kanyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari at ang inang si Zsa Zsa Padilla. Habang ang kanyang ama ay walang napabalitang karelasyon, ang kanyang ina naman ay naging long-time partner ng pumanaw na Philippine King of Comedy na si Dolphy.

Si Zia Quizon ang naging bunga ng pagsasamang iyon. Tulad ni Karylle, magaling ding kumanta si Zia. Sa katunayan nga ay nagdaos pa sila ng isang back-to-back concert sa Australia noong 2013.

Ayon kay Wyn Marquez, masaya raw siya sa piling ng kanyang half-brothers. Kapatid ni Wyn si Vandolph Quizon sa inang si Alma Moreno samantalang half-brother naman niya si Jeremy Marquez sa amang si Joey Marquez. Parehong nasa kustodiya ni Kris Aquino ang dalawang anak na sina Josh Aquino at Bimby Yap.

Ang aktor na si Phillip Salvador ang ama ni Josh samantalang ang basketball player naman na si James Yap ang tatay ni Bimby. Makikita sa Instagram ni Kris na malapit sa isa't isa ang magkapatid at pareho silang sweet sa kanya. Ikinasal si Pilita Corales kay Gonzalo Blanco, ang ama ni Jackie Lou Blanco.

Matapos siyang bawian ng buhay ay nagkaroon naman ng anak si Pilita kay Eddie Gutierrez na si Ramon Christopher o mas kilala bilang Monching. Maayos ang relasyon ni Jackie Lou sa kapatid. Sa katunayan nga ay isa siya sa mga natuwa nang pumasok sa showbiz ang pamangkin na si Janine Gutierrez, ang anak ni Monching.

Magkakapatid sa ama ang tatlong naggagandahang sina Garie, KC, at Cloie. Silang tatlo ay anak ng aktor na si Gabby Concepcion. Si Garie ay anak ni Gabby sa dating nobyang si Grace Ibuna.

Samantala, parehong mula sa showbiz ang ina nina KC at Cloie. Si Sharon Cuneta ang ina ni KC, habang si Jenny Syquia naman ang ina ni Cloie. Magkakalayo man silang lumaki at namumuhay ngayon, close na close ang tatlong magkakapatid.

Madalas silang magkita at mag-bonding bago pa man muling makita ni Cloie ang kanilang ama. Natupad na ang pangarap ni Jackie Forster na magkaayos sila ng kanyang anak kay Benjie Paras na sina Kobe at Andre Paras. Narito ang larawan ng kanyang mga anak kay Michel Franken na sina Jared, Claeigh at Yohan kasama ang kanilang Kuya Kobe Artistahing kapatid ng mga artistaJanine Gutierrez and her stunning sisters.