Kylie Padilla, may patikim sa two big projects niya this 2025

featured-image

Sparkle prime actress Kylie Padilla, mapapanood sa dalawang higanteng proyekto, ang 'My Father's Wife' at 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Hataw sa paggawa ng dalawang malaking TV project ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.Mapapanood si Kylie soon sa drama series na My Father's Wife kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion, Kazel Kinouchi, at Jak Roberto.Magbabalik din siya sa mundo ng Encantadia sa much-awaited primetime series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa exclusive interview ni Kylie sa GMANetwork.com noong April 25, taos-puso ang pasasalamat niya sa mainit na pagtanggap ng fans sa latest Encantadia teaser na umabot sa mahigit 24 million total online views na.Lahad ng Kapuso star, “Hindi ako nagulat sa Encantadiks, kasi they have been waiting for so long.



Grabe sila! And ako din, kinilig din nung napanood 'yung teaser, siyempre alam ko 'yung kuwento!“So, I'm excited for them to watch it, talagang pinaganda [at] dugo't pawis ang ibinigay ng cast and crew, and everybody sa show na ito. And sana ma-appreciate n'yo ang I know you will.”Marami nang espekulasyon sa magiging takbo ng kuwento ng Sang'gre tulad na lang kung magiging Bathaluman na ba si Amihan.

Ma-intrigang tugon ni Kylie tungkol dito: “Secret!!! Abangan n'yo na lang.”Nagkuwento rin ang Sparkle beauty tungkol sa My Father's Wife na dapat rin abangan ng mga Kapuso ang mga karakter nila sa soap.Aniya, “They all have good character arc.

.Maganda siya panoorin, kasi susubaybayan mo talaga kung ano gagawin nila sa sitwasyon na meron sila. Ang hirap, ang hirap!”RELATED CONTENT: STAR-STUDDED CAST OF MY FATHER'S WIFE.