Michael Sager, patuloy na pinagkakatiwalaan ng kaniyang fans sa PBB

featured-image

Fans ni Michael Sager sa kaniyang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' journey: “He deserves to stay in the house.”

Patuloy na bumubuhos ang suporta ng fans ni Michael Sager sa kaniyang journey bilang isa sa celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.Sa kabila ng tatlong beses na pagkanominado sa teleserye ng totoong buhay, nananatili ang tiwala ng fans at iba pang viewers kay Michael.Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' Mababasa sa social media ang kabi-kabilang positive comments tungkol sa Sparkle actor at ang ilan ay nagchi-cheer para kanilang iniidolo.

Ilang fans din ang nagsabi na si Michael ang karapat-dapat na manatili sa paninirahan sa loob ng Bahay ni Kuya.“He [Michael Sager] deserves to stay in the house,” sulat ng isang netizen. Ang kasalukuyang ka-duo ng Kapuso star ay ang Kapamilya star na si Emilio Daez.



Kabilang kaya ang celebrity duo na MiLi (Michael at Emilio) sa maliligtas sa nalalapit na ikatlong eviction night?Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.

m. at weekends, 6:15 p.m.

, sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN..