Kilala na sa wakas ni Danilo (Dion Ignacio) ang kumuha sa anak nila ni Emma (Katrina Halili) na si Kayla, ilang taon na ang nakakaraan!Sa mga nakaraang episode ng hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest, nakitang muli nina Danilo at Emma si Bukoy (Nico Antonio), ang kapitbahay nila sa dating tinitirahan. Ngunit dahil sa landslide ay hindi na nila muling nakita pa ang kaibigan.Sa muling pagkikita nila, nasabi ni Bukoy na kilala niya kung sino ang totoong dumukot kay Kayla at makikita nila ito sa Manila.
Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mag-asawa para makita at makilala ito.Ngunit sa kasamaang palad, lagi silang sawi na makita o makilala ang mukha ng kumidnap noon kay Kayla.Kamakailan lang ay nailigtas ni Emma si Mookie (Shayne Sava) mula sa pagmamaltrato ni Olive (Camille Prats).
Dahil hindi makapapayag si OIive na mapunta ang anak kay Emma, nag-live video ito sa social media at pinagbintangan si Emma na kinidnap ang anak.Sa Manila, nagkataon naman na nakita nina Bukoy at Danilo ang live video ni Olive at dito na sinabi ng nauna na ang babae sa live video ang kumuha noon kay Baby Kayla. Para masabi kaagad kay Emma ang totoo, dali-daling bumalik ang dalawa mula Manila.
Samantala, nakita na rin ni Emma ang hugis-puso na balat ni Mookie sa hita, ang palatandaan nila ni Danilo kay Baby Kayla. Ngunit dahil hindi pa sigurado, hindi rin masabi ni Emma ang kaniyang hinala.Malalaman na ba ng totoong pagkatao ni Mookie? Abangan sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 PM sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
.
Entertainment
Mommy Dearest: Danilo, kilala na sa wakas ang totoong kumuha kay Baby Kayla

Malalaman na ba nina Danilo (Dion Ignacio) at Emma (Katrina Halili) ang tunay na katauhan ni Mookie (Shayne Sava)?