Private resort ni Boss Toyo na puwedeng rentahan, ipinasilip

featured-image

Ipinasilip ng Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo sa GMA show na "Unang Hirit" ang kaniyang private resort na Casa Geng Geng na puwedeng rentahan.

Ipinasilip ng Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo sa GMA show na "Unang Hirit" ang kaniyang private resort na Casa Geng Geng na puwedeng rentahan. Matatagpuan sa Sta. Maria, Bulacan ang Casa Geng Geng, na mayroong adult at kiddie pool, na overlapping ang disenyo para sa pagsu-swimming ng indoor at outdoor.

Ayon kay Boss Toyo, mayroon din itong basketball court, billiards table, mini videoke, at arcade. Mayroong kusina at tatlong kuwarto ang Casa Geng Geng para sa mga nais magrenta. Puwedeng mag-day tour, night tour at maging overnight stay sa resort.



Nang tanungin si Boy Toyo kung anong negosyo ang gusto pa niyang itayo, sinabi nito na dagdag pang mga resort o pang-staycation dahil mas madali umano ang kita. -- FRJ, GMA Integrated News.