Rabiya Mateo, nakilala na ang kaniyang ama: 'It's the closure that I needed'

featured-image

Sumabak sa extreme adventures si Rabiya Mateo matapos makilala ang kaniyang tatay.

Isang pangarap ang natupad ng Sparkle beauty queen na si Rabiya Mateo nang makabisita siya sa U.S.A.

Dahil lumaki siyang walang ama, nais ni Rabiya na makita at makilala ito. Kaya nang malaman niyang nasa Amerika ito, hindi na nagdalawang-isip ang aktres at sulitin ang pagkakataon."Matagal ko na talagang plano.



Matagal ko nang hinihingi sa GMA 'yung bakasyon na ito because I wanted to be connected with my dad," pahayag niya sa GMA Integrated News."Nangyari naman siya pero hindi lang sa resultang ine-expect ko or gusto ko. However, it's the closure that I needed.

"Bagama't hindi ito ang gusto niyang mangyari sa kanilang pagkikita, mas pinili ni Rabiya ang tumutok sa positibong bahagi ng karanasan."At least I was able to know na may kapatid ako sa kaniya, may dalawa akong kapatid at may totoong tatay ako. I'm happy that he's okay, iyon 'yung importante doon," aniya.

"So anytime naman, bukas naman 'yung pintuan ko for my family doon sa U.S."Dahil na rin sa mga pagbabagong desisyon sa hindi inaasahang pangyayari, sinulit ni Rabiya ang kaniyang dalawang buwan sa pamamagitan ng pagsabak sa extreme adventures.

Isa sa kaniyang most unforgettable YOLO moments ay nang subukan niya ang skydiving."I've always wanted to try skydiving pero parang wala siyang chance and during that time parang may kasama akong sabi niya, 'Okay, let's do it,'" kuwento ni Rabiya.Hindi lang sa kalangitan ang sinubukang adventure ng Kapuso star--pati sa tubig! Sinubukan niya rin ang thrilling sport na wakeboarding.

Ngunit kinailangan niya itong ihinto pansamantala matapos magka-pasa sa mukha at mapingas ang ngipin.Pero kahit pa may injuries, hindi ito naging hadlang sa Sparkle 10 star na patuloy na sumubok ng matitinding adventures. Lalo na't target na rin niyang subukan ang big bikes!SAMANTALA, KILALANIN PA SI RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO:.