Maraming mga plano ang hindi natuloy dahil sa COVID-19 pandemic noong 2020, kabilang na kasal sana ng ilang celebrities. Ngunit hindi nagpatinag ang magkaibigan at dating Bubble Gang co-stars na sina Sam Pinto at Gwen Zamora, na itinuloy pa rin ang kani-kanilang kasal sa kabila ng lockdowns.Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 24, binalikan nina Sam at Gwen ang kani-kanilang wedding na naganap sa gitna ng pandemya.
Na-engage si Sam kay Anthony Semerad noong 2019, at ikinasal sila sa isang civil wedding ceremony noong 2021.Pag-alala ni Sam, “Mine was fun kasi apat lang 'yung guest ko. Sobrang intimate.
Here in Manila. 'Tapos, parang everything was planned already, so parang, 'Tuloy na natin 'to.'”Kahit umano naapektuhan ang mood noon ng kaniyang kasal dahil sa pandemya, nanatili pa ring masaya ang espesyal na araw nina Sam at Anthony.
Maituturing naman ni Gwen na nice ang kasal nila ng asawa niyang si David Semerad, na ikinasal din noong 2021. Ngunit ang kaibahan nito sa kasal nina Sam, ginawa ang kanilang seremonya sa France.Pag-alala ni Gwen, “We magically made it to France, and then a lockdown happened again.
So, na-extend 'yung stay namin du'n, and we were like, 'Okay, we're extending our stay. We have all our documents because we travelled here with our kids, why not get married?'”Pag-amin ng aktres ay unplanned at last minute ang first wedding nila.TINGNAN ANG MGA NAUDLOT NA CELEBRITY WEDDING DAHIL SA COVID-19 PANDEMIC SA GALLERY NA ITO: Samantala, pinuna naman ni King of Talk Boy Abunda na isang buwan lang halos ang pagitan ng kasal nina Sam at Gwen sa kambal nilang mga asawa.
Kaya naman, tanong ng batikang host, “Wala[ng] konsepto ng sukob?”Ayon sa pamahiin, dapat iwasan ang "sukob sa kasal" o ang magkasunod na kasal ng magkapatid sa isang taon dahil iniuugnay ito sa kamalasan.“Well, my parents do, pero sila kasi, the twins, wala, e,” sagot ni Sam.PInatunayan naman ng dalawang aktres na hindi totoo ang sukob dahil, sa ngayon, masaya lang sina Sam at Gwen sa kanilang bagong roles bilang asawa at ina sa kanilang mga anak.
Kahit pa umano magulo ay masaya naman sila lalo na kapag kasama ang kani-kanilang mga anak.Panoorin ang panayam kina Sam at Gwen dito:.
Entertainment
Sam Pinto, Gwen Zamora reminisce about their pandemic wedding

Kamusta kaya ang naging kasal nina Sam Pinto at Gwen Zamora sa kambal na sina Anthony at David Semerad? Alamin dito: