Lalabas ang angas sa kusina ng Sparkle artist na si Raheel Bhyria dahil mapapasabak siya sa isang tropical food adventure sa Farm To Table kasama si Chef JR Royol.Ngayong Linggo, April 27, samahan sina Chef JR at Raheel na tikman ang ilang new food and drink combos kung saan tampok ang ilang tropical ingredients na swak ngayong summer.Kabilang na riyan ang ginataang manok, balimbing-glazed chicken na niluto sa pugon, at tomato pasta.
Ihahain din ang ilang refreshing drinks na pinasarap ng sugarcane o tubo.Subaybayan ang ultimate guide sa exciting food exploration and preparation sa Farm To Table tuwing Linggo sa GTV.Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.
Taste.Moments) YouTube channels.IN PHOTOS: Behind-the-scenes on the set of 'Farm to Table'.
Entertainment
Tropical food adventure, tampok sa 'Farm To Table' ngayong Linggo

Samahan si Chef JR Royol na tikman ang ilang new food and drink combos na gawa sa tropical ingredients kasama ang 'Mga Batang Riles' actor na si Raheel Bhyria sa 'Farm To Table' ngayong Linggo, April 27, 7:15 p.m. sa GTV.