Kinagiliwan ng viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang tila good vibes na confession ni Will Ashley kay Kuya.Related gallery: Will Ashley's IG photos that scream summer Sa isa sa episodes ng teleserye ng totoong buhay, napanood ang masayang kuwentuhan nina Will, Big Brother, at ng isa pang housemate na si Esnyr.Kinumusta ni Kuya ang dalawa at tila napansin niyang maganda ang gising ng magka-duo.
Kasunod nito, nagulat si Will nang biglang ibinunyag ni Esnyr kay Kuya ang tungkol sa kaniyang panaginip tampok ang Nation's Girl Group na BINI.Sabi ng Star Magic artist at vlogger, “Sobrang ngiti ni Will ni Kuya to the point na napanaginipan niya pa 'to Kuya, 'yung mga BINI raw.”“Nilaglag mo naman ako,” reaksyon ni Will kay Esnyr.
Pagbabahagi ng Sparkle star, “Kuya, kasi napanaginipan ko po sila [BINI], hindi ko po ine-expect eh. Lumabas po kami sa garden tapos nandoon na po silang walo. Sinundo po nung anim na BINI sina Jhoanna at Stacey.
”Matapos ikuwento ang tungkol sa mahiwagang panaginip niya, nakipagkulitan pa si Will kay Esnyr at biro ng una sa huli, “Pagkagising ko Kuya lalo akong na-good mood, [nakita ko] si BINI Aiah.”Matatandaang sina BINI Jhoanna at BINI Stacey ang latest houseguests sa Bahay ni Kuya.Samantala, si Will ay kilala sa programa bilang Mama's Dreambae ng Cavite, habang si Esnyr naman ay kilala bilang Son-sational Viral Beshie ng Davao Del Sur.
Patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m.
at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.
com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.
com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN..
Entertainment
Will Ashley, napanaginipan ang BINI?

Ibinuking ni Esnyr ang panaginip ni Will Ashley tungkol sa BINI sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'