Matapos silang magkaroon ng limang anak ni Iya Villania, nagpa-vasectomy na si Drew Arellano. Sa Instagram, nag-post ang “Biyahe ni Drew” host ng kaniyang larawan habang nakahiga sa hospital bed. “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife," saad ni Drew sa caption na may hashtags na #HappyVA-SEC-TO-MEEE and #snipsnip.
Sa isang episode noon ng programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ni Dr. Mary Joyce Mondina – Yabyabin, Family Planning Head ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, na ang vasectomy ay isang uri ng birth control para sa mga lalaki na pinuputol ang daluyan ng punlay o “vas deferens” para hindi na makadaan ang sperm.
Paglilinaw ni Yabyabin, hindi totoo na nababawasan ang sex drive ng isang lalaki kapag sumailalim sa vasectomy. Sinabi rin ng duktora na may anesthesia na ibibigay sa isang lalaking magpapa-vasectomy para wala siyang maramdaman na sakit. Nakagagawa pa rin ng sperm cells ang mga lalaking sumailalim na sa vasectomy, ngunit hindi na ito sumasama sa semen dahil putol na ang daluyan mula sa testicles kaya na-a-absorb na lamang ito ng katawan.
Wala rin umanong katotohanan na may koneksiyon ang vasectomy sa pagkakaroon ng prostate cancer ng lalaki. ALAMIN : Paano ginagawa ang painless vasectomy? BASAHIN: Mister, nagpa-vasectomy para 'di na mahirapan ang asawa: 'Ako naman ang mag-e-effort para sa family' Nitong nakaraang Pebrero nang isinilang ni Iya ang baby no. 5 nila ni Drew na si Anya.
Taong 2014 nang ikasal sina Drew at Iya. Noong 2023, nabanggit na ni Drew ang tungkol sa planong niyang magpa-vasectomy. Ang apat pang anak nina Drew at Iya ay sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
-- FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Drew Arellano, nagpa-vasectomy

Matapos silang magkaroon ng limang anak ni Iya Villania, nagpa-vasectomy na si Drew Arellano.