Kinumpirma ni Jackie Forster na hiwalay na ang anak niyang si Kobe Paras kay Kyline Alcantara. Ipinagtanggol din niya ang anak sa alegasyon ng pagtataksil. Sa video message ni Jackie na ipinost sa social media, inihayag niya na nais sana ng kaniyang pamilya na manahimik tungkol sa hiwalayan ng dalawa.
Pero hindi raw nila matanggap ang mga akusasyon na ibinabato laban kay Kobe. Ayon kay Jackie, nagsimula magkaproblema sa relasyon ng dalawa matapos ang biyahe ng mga ito sa Amerika nitong nakaraang Enero. Nais umano ng kaniyang anak na subukang palampasin ang isyu sa kanila ng nobya, hanggang sa nagpasya ang binata na hiwalayan na ang aktres dahil sa mga "unforgivable" na pangyayari.
Sa kabila nito, patuloy umanong nakipag-ugnayan ang pamilya ni Jackie kay Kyline "to console her for hours." "We are Kobe's family, but out of respect, we still tried to be there for her, to help console her, to listen, and to be understanding," ayon kay Jakie. Idinagdag pa ni Jackie na nanatili namang nakikipag-ugnayan sa kanila si Kyline "up until the day before Easter" para kombinsihin si Kobe "to apologize to her so they could still fix things.
" Matapos ang hiwalayan ng dalawa, sinabi ni Jackie na naglabas umano ang kampo ni Kyline ng mga maling kuwento sa social media para palabasing masama si Kobe. "I'm confused as to why Kyline and the people on her side are allowing Kobe to look like he's a cheater, and she just wants to keep quiet to protect her own peace," pahayag ni Jackie. Ipinaliwanag din ni Jackie na ginagamit ni Kobe ang sasakyan ni Kyline dahil ipinahiram ito ng aktres habang ginagawa ang sasakyan ng kaniyang anak.
Ayon kay Jackie, madaling husgahan at magalit ang mga tao kay Kobe dahil madaling makapag-move on, "but I think that's better than loving someone while pretending to be somebody that they're not." Sinabi pa ni Jackie na may mga taong nagbabala na sa kaniya noon tungkol kay Kyline, at nagsisisi siya na hindi siya nakinig. "I defended you, Kyline," ani Jackie.
"I regret not listening to those warnings." Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong November 2024. Kamakailan lang nang mapansin ng netizen na nag-unfollow sa isa't isa sa Intragram ang dalawa.
Nito lang nakaraang Disyembre, sinabi ni Kyline na ipinakilala na niya si Kobe sa kaniyang mga magulang. Hinihintay pa ng GMA News Online ang pahayag mula kay Kyline o sa kaniyang kampo. — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Jackie Forster, kinumpirmang hiwalay na ang anak na si Kobe Paras kay Kyline Alcantara

Kinumpirma ni Jackie Forster na hiwalay na ang anak niyang si Kobe Paras kay Kyline Alcantara. Ipinagtanggol din niya ang anak sa alegasyon ng pagtataksil.